deviant ART

[x]
[x]

5.0

Journal Entry: Mon Mar 26, 2007, 12:19 AM
  • Mood: Miserable
  • Listening to: The Beatle's "Across The Universe"
  • Eating: paper clips
Patapos na naman ang isang taon sa pag-aaral.

Ngunit hindi ako naging masaya sa pagtatapos ng taon, dahil dalawa sa mga paksa na kinuha ko ngayong taon (MIcrobiology at Physics), ay hindi naging maganda ang kinalabasan ng resulta. Nakakuha ako ng magkaparehong 5.0 sa marka sa dalawang paksa.

Anak ng tokwa.......

Sinasabi ko na nga ba, sa una palang, masama na ang aura ko sa mga paksang 'to. Pero inaamin ko rin naman na ako rin ang may kasalanan kung bakit ako nagkandaloko-loko at nagkandagago-gago sa mga paksa ko. Siguro, pagkatapos nito, baka ipahinto muna ako sa pag-aaral (wag naman sana....), o di kaya'y ilipat ako sa ibang paaralan.

Ngunit ang mahalaga pa rin sa akin, nakangiti ako hanggang sa huli, at walang pinagsisisihan. Alam ko naman na mangyayari sa akin lahat 'to e, at handa na rin ako sa anumang magiging kaparusahan na maaaring ibigay sa akin.

Kaya para sa lahat ng nagtapos ng pag-aaral ngayong taon, taos-puso ko kayong binabati. At sa lahat ng mga katulad kong sawi sa pag-aaral, tuloy ang laban.......

Phy-sick!!!!

Journal Entry: Tue Feb 20, 2007, 8:55 PM
  • Mood: Frustrated
  • Listening to: destiny's child
  • Eating: hot air
Attention:
Meron ba sa inyong mga Deviants ang nahihirapan at halos isuka at ikamuhi ang subject na Physics kagaya ko?
Kung wala,ayos lang. Nakaka-asar lang dahil kahit anong klase ng pakikinig at pagbabasa sa Physics na 'yan, wala talaga akong maintindihan! It's neither may depekto ang utak ko pagdating sa mga numero, o may malaking factor pa rin ba ang mismong instructor?
Sabihin na lang natin na meron akong isang Physics instructor na itatago natin sa pangalang "Ka-Ernie" (as in Ernie Baron, kasi medyo kahawig niya........40 years after his burial......), ginawa na 'ata niyang second language ang Physics dahil hindi ko (o naming mga magkakaklase) talaga siya maintindihan. Para bang gusto sabihin sa kanya ng harapan na "PWEDE PO BA SIR,BUMABA NGA KAYO SA PLANETA NATIN, DAHIL WALA PO KAMI MAINTINDIHAN SA INYO!!!"
Haaay.......pwede niyo ba ako tulungan,kahit payo lang plsss..........

Nagmamahal'
Keboy







P.S.

Tangina, sira yung camera.....

Our Solution: Toner

Journal Entry: Sat Feb 10, 2007, 2:23 AM
  • Mood: Daily Needs
  • Listening to: emo and punk
  • Eating: tostillos:black
Alas!! Naging bukas na naman sa publiko ang aming mahal na opisina dito sa Trinity Observer! Matagal nang 'di nagkaroon ng tao dito, kaya mukha nang bodega ang aming opisina (pati 'yung mga pinagkainan naming noong nakaraang buwan, hindi pa rin nalilinis, kadiri!!). Magmula kasi nang maubusan ng ink at toner ang aming printer dito sa opisina, madali nang uminit ang aming mga ulo dahil, una sa lahat, walang ma-print na mga balita, kaya ang aming minamahal na Editor-in-Chief ay nagwawala na dahil wala siyang makitang mga balita. Pangalawa, mahal ang magpa-print sa labas. Kaya ang madalas naaabutan ng mga staffers, isang mahabang note sa aming whiteboard na may halong poot at galit mula sa aming EIC na naglilikha ng kaba at takot sa ibang mga junior staffer.Takot sila na baka lamunin sila ng buhay dito sa opisina.
Kaya ngayong mayroon nang toner at ink sa aming printer, inaasahan ko na sana magiging maayos na ang usad ng aming diyaryo. Marami na kasing nag-aabang sa aming diyaryo, kawawa naman ang mga estudyante't mag-aaral ng Trinity University of Asia (TUA).
Laging tatandaan:
"KUNG WALANG EB (EDITORIAL BOARD)...."

"WALANG STAFFERS...."

"WALANG DIYARYO."

"Is it weekend now!?"

Journal Entry: Wed Feb 7, 2007, 1:42 AM
  • Mood: Homesick
We all knew that life sure sucks, but I think that mine's the worst. I just realized that within this couple of harsh days (not including our recently concluded Foundation Week here in our school....), I've felt that my world is an oblivious never-ending Abyss of pain,grief, and hatred (naks! ang lalim!!!). Maybe, because I'm just pre-occupied with my thoughts: my studies,my work as a photo editor here in our school publication (Trinity Observer), and my seem-to-be forever longing with my girlfriend, Mila.
We have a very scarce communication within these past few days,damn! I wished that I'd never gave up my cellphone to my Aunt Liwa! Now, before I broke up with my sanity, I better quit on thinking a lot of things, it all just make my life more complicated. So, just like what I always do, stay keen and sharp. With all these dreadful situatuons in life, we can prove that we're all good fighters. Just think of God firsts before anything else.....

------------------------------------------------------------------------------
Since this is my first journal, I just want to welcome myself as a member of this community. Just email me at triggerhappy_keboy@yahoo.com.ph

(......sana naman,may mag-tiyatiyagang mag-basa sa mga journals ko........)