deviant ART

[x]
[x]

5.0

Journal Entry: Mon Mar 26, 2007, 12:19 AM
  • Mood: Miserable
  • Listening to: The Beatle's "Across The Universe"
  • Eating: paper clips
Patapos na naman ang isang taon sa pag-aaral.

Ngunit hindi ako naging masaya sa pagtatapos ng taon, dahil dalawa sa mga paksa na kinuha ko ngayong taon (MIcrobiology at Physics), ay hindi naging maganda ang kinalabasan ng resulta. Nakakuha ako ng magkaparehong 5.0 sa marka sa dalawang paksa.

Anak ng tokwa.......

Sinasabi ko na nga ba, sa una palang, masama na ang aura ko sa mga paksang 'to. Pero inaamin ko rin naman na ako rin ang may kasalanan kung bakit ako nagkandaloko-loko at nagkandagago-gago sa mga paksa ko. Siguro, pagkatapos nito, baka ipahinto muna ako sa pag-aaral (wag naman sana....), o di kaya'y ilipat ako sa ibang paaralan.

Ngunit ang mahalaga pa rin sa akin, nakangiti ako hanggang sa huli, at walang pinagsisisihan. Alam ko naman na mangyayari sa akin lahat 'to e, at handa na rin ako sa anumang magiging kaparusahan na maaaring ibigay sa akin.

Kaya para sa lahat ng nagtapos ng pag-aaral ngayong taon, taos-puso ko kayong binabati. At sa lahat ng mga katulad kong sawi sa pag-aaral, tuloy ang laban.......

Devious Comments

love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0

~gudlukinrebel:icongudlukinrebel: Mar 31, 2007, 5:04:25 AM
tang-ina yan... ako nga hindi ako pumapasok, 'di ako nagpapasa ng assignment... 'di rin ako nag-e-exam (kung trip ko)... pero pumapalo pa ako sa 1.00!!! ulol!!!

wahehe... juk lang... mas matindi pa rin ako... 8.00, 7.00, tas 1.00... hanep... ganda ng grades no??? ASTIG!!!

--
Yep, that's me. I'm the gudlukinrebel of this age; and, I badly need a boyfriend now!